Friday, September 16, 2011

next to you

Mali ba na nararamdaman ko ang ganito sa tuwing nakakakita ako ng larawan mo na kasama siya? bakit kahit alam ko na hindi ako dapat makaramdam ng ganito eh hindi ko maiwasan? Madami na akong nakitang ibang tao na kasama mo, pero bukod tanging sa kanya umiinit at kumukulo ang dugo, ano to? malisyosa lang ba ako o talagang dapat maramdaman ko to? 

Mali rin ba na makaramdam ako ng selos sa ganung klase ng tao? Hindi ko maintindihan kasi kung bakit niyo kailangang umarte ng ganun, ano ba talagang meron? Halos linggo linggo kasama mo siya, madalas pa sa akin, kahit sa social networking site, mas marami pa kayong larawan na magkasama kayo kesa sa ating dalawa; ang bottomline ba nito dapat hindi na lang ako mag facebook para wala akong nakikita? Ang mga post ko sa wall mo na paraan  ko ng pagpaalam sa "kanya" na meron kang karelasyon binubura mo, ano bang ibig sabihin non? hanggan ngayon ba hindi pa rin pwede malaman ng lahat na may relasyon tayo? 

Hanggang kailan mo ako itatanggi at itatago?

Hindi ko alam kung talagang mahal mo pa nga ako, kung minahal mo ako o kung mamahalin mo pa ako, pilit akong gumagawa ng paraan para hindi ka mawala, pero patuloy mo akong hinahayaang mag-isang gumawa ng paraan, subukan mong tulungan ako, baka maging maayos pa kung ano ang meron tayo.

Masyado ko atang sineseryo ang taong hindi interasado sakin. Para lang akong nagpapagod maperfect ang isang quiz na di naman recorded...

1 comment: