Thursday, May 26, 2011

ANG PUSO KO AY NASA REYNBOW…

repost from my FS Blog posted last November 30, 2007 at 2:38 am

CLICK HERE

Nasaan ang puso ko sa mga panahon  na ito?

Ito ay nasa bahaghari..(rainbow) bakit ito naroon?.. dahil lumulutang ito sa kasiyahan.. kasiyahan na hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal.. sobrang saya ng puso ko, na ang ikinatatakot ko ay ang muling paglisan ng tao na nagpapasaya nito.. hindi ko alam ang mga mangyayari kung sakaling siya ay mawala sa aking tabi.. hindi ko na alam ang aking gagawin muli kung mawala pa siya..


Hindi  ko alam kung bakit ganito, pero ang tangi ko lang alam ay iniibig ko pa rin siya, hindi ko makita ang aking sarili na nagmamahal ng iba..ewan ko kung anong meron sa taong iyon na hindi ko malimutan, ang tanging alam ko lang, masaya ako kapag andiyan siya, ang mga pangyayari ay tama kapag kasama ko siya, wala akong hinahanap na iba pa maliban sa kanya..
Sabihin na nila na wala ako sa sarili, dahil sa pagmamahal na iniuukol ko sa kanya, ngunit kahit ang sarili ko ay hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-ibig na nararamdaman ko sa para sa taong ito, hindi lang niya batid kung gaano ko siya pinahahalagahan, saktan  man niya ako ng paulit ulit, itaboy man niya  ako ng maraming beses, hindi ko pa rin magawa na magalit sa kanya.. kung ito nga ang totoong pag-ibig, iniibig ko talaga siya ng tunay at labis labis..


Sa lahat ng bagay na nangyari, nangyayari, at mangyayari pa lang, wala akong pagsisisihan at pinagsisihan.

Ang tanging alam ko, lahat ng nangyayari sa amin ngayon ay tama, at ang tangi ko lang hinihiling ay magbunga ng maganda ang isang bagay na muli naming sinusubok gawin…maaari man na hindi siya seryoso sa bagay na nangyayari ngayon, pero naniniwala ako ng sabihin niya na MAHAL niya ako, na MAHAL NA NIYA AKO ULIT..


(bow!)

I’ve doubted you so long….

a re-post from my Friendster Blog site CLICK HERE

Everything that i need to know is right in front of my face, each questions that are running on my mind finally has its answer, and yet.. i am still denying it.. i don’t want to believe that everything is really happening….damn! :(
*
**
***
****
batet danun? lam kaya nia na nasasaktan ako ng tunay? pashnea! anu ba? ginagawa ko na lahat, bakit ganun? sabi nia, kung ayoko daw na masaktan, makarinig ng masasakit na salita mula sa kanya, maghiwaly na kami.. nu un? ganun na lang un? gago ba xa? nintay ko sya ng pagkahaba habang panahon, lumaban ako mabawi ko lang siya uli, nagpakatanga, name it, lahat ng kagagahan nagawa ko na yata para sa taong ito.. ganun sya ko siya pinapahalagahan at kamahal, ampucha!
lam na lam ko aman, na subrang niloloko niya ako, nakasampal na nga sa mukha ko lahat ng katibayan (evidence) sinasalag ko lang, ayokong paniwalaan, masyadong madami ung pagmamahal ko para maniwala at maapektuhan ng tunay!
Oo, apektado ako, alangan naman na hindi ako masaktan?! (si rhoanne lang ako!) sa mga bagay na ginagawa niya, sa mga bagay na hindi dapat nangyayari samin, ung tipong mga mali ba, alam ko naman na walang perpektong relasyon, walang perpektong bagay, pero, sana, sana lang talaga, kahit minsan, mapansin niya na hindi tama lahat ng iniisip niya, na hindi lahat ng desisyon nya tama, na hindi dapat lahat pabor sa kanya, kaya nga kami ay tinatawag na couple, kase dalawa kami, sana, both sides can have a voice, un lang… 

Nasasaktan ako kapag may mga "asungot" na umaaligid sa kanya, nak naman kase ng puta! napaka guwapo ng kasintahan ko! "guapo" pa lang un ha?! anu na kaya kung subrang wafu? wala na, baka pumatay na ako.. tsk..tsk.. 

kase naman, ang sa akin, kung hindi sya magpapalapit, wlang lalapit, kung hindi sya magpapahabol, wlang hahabol, kung hindi niya rereplyan ang text, walang magtetext pa para mangulit.. anu ba.. lahat ata kase ng nakakasalamuha niya/ "nakakarelasyon" niya, ay binibigyan niya ng maling paniniwala sa bagay na namamagitan sa kanila, minsan nga, hindi ko maiwasang isipin na ginagamit lang niya ako para sa sarili niyang kapakanan (hindi nga kaya???) minsan, hindi ko maiwasan na hindi maramdaman un eh.. pero hindi, mahal ako nun! (totoo!)
minsan, hindi ko maiwasan makaramdam ng pagod sa mga bagay na paulit ulit na lang na nangyayari, at paulit ulit ko namang tinatanggap.. tinatanggap ng dalawang palad, at niyayakap ko pa..
Sana, dumating yung panahon na makita niya lahat ng ginagawa ko para sa kanya, lahat ng pagmamahal na binibigay ko, (na humihingi ng kapalit kahit papano, kahit kaunti lang.. T_T) ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko inaasam na mahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya, o kahit kaunti lang na pagmamahal, pagpapahalaga na mula sa kanya, sakto na ako dun..
hay..

ewan ko..
mahal ko talaga ang taong to..
hindi ko pa rin siya iiwan… kasama niya ako hanggaang dulo..
 
mahalin mo naman ako…T_T

Meeting

This is how we met each other...


Masaya naman ako nung high school ako, kahit na wala akong boyfriend, although nakaka lungkot isipin nun na sa group of friends ko ako lang yung walang boyfriend, I am a fourth year student way back then (2003) and talagang NBSB sabi nga nila (No Boyfriend Since Birth). I had a crush with my guy  best friend, which happens to be my girl best friend's boyfriend, nag break kasi sila pansamantala nun and i was his "shoulder to lean on", so I completed the role of a best best friend, and i thought i made it perfect because after a month this guy best friend told me that he loves me :) 



But wait..there's more.. that's not yet the end of my story, actually, intro pa lang yan..





After this guy best friend told me that he loves me, he did treated me like a princess..  (pero, hindi pa kami ha?, confused pa kasi siya..yeah I understand..right! of course i do!) we were like that for almost two weeks and this NBSB girl fall for her guy best friend, and this what happen next, the third week, guy best friend and girl best friend are back in each others arms again. Oh yes, that was an OUCH! Bigtime.

Pakiramdam ko noon, ang panget ko talaga eh, i thought that those years of my life was the hardest, high school life, hay.. paano kita makakalimutan?! :))

So, yun nga, my bestfriends are back in each others arms..I was left crying, torn, dumped, used, lahat na..ako na lahat, that's how i feel way back then.

(FYI..hindi sila ang nagkatuluyan..sadness.. at super Bestfriends pa din kaming tatlo, maybe what happened way back then was purely infatuation, dahil na rin siguro sa peer pressure? hahaha)



I was crying one day in one corner of our school (kasi nga nagkabalikan na sila at pakiramdam ko kawawa talaga ako) suddenly a good classmate of mine cared to talk to me, asked why I was crying, I felt so alone that time and glad that I found a new friend just in time.

 
Sabi niya pa "huwag ka ng umiyak, andito lang ako, I was born to put a smile on your face"

Hindi guwapo ang taong ito, pero napakasarap niyang kasama,  I learned a lot from him, he never fail to make me smile, simpleng text message lang niya, napapangiti niya agad ako.

Everything started that day December 17, 2002, this schoolmate, classmate, seatmate turned be everything in my life. ♥